Sinasaktan Mo Man Ako Papa, Mahal Pa Rin Kita.

Ito ay kwento ng isang anak na nagdurusa dahil sa nagawa nyang kasalanan. Isang batang tinitiis ang pananakit ng ama. Ang kwentong ito ay tiyak na magpapaantig sa inyong mga puso.

May isang pamilya na masaya, dalawa ang anak 5 taong gulang ang panganay na babae si Chrisian at 5 buwang gulang na lalaki naman si Jexter.

Mula nang sinilang ang bunso, masayang masaya ang ama dahil may Junior na siya na un ang pangarap niya ang magkaroon ng Jr.

Isang araw nilagnat ang baby, dinala sa center at pagdting sa bahay inihanda na ni misis ang mga gamot para kay baby dahil kailangan na itong painumin ng gamot. Itong si Chrisian pinapanood ang nanay. Nung naipainom na ung isang gamot, may taong kumakatok sa labas. Nagmamadling lumabas si nanay, iniwan ang magkapatid at medyo natagalan siya sa pakikipag-usap sa tao na nasa labas.

Si Chrisian dahil wala siyang magawa kinuha ang mga gamot at ginaya ang mama niya ipinainom sa kanyang kapatid ang gamot, dahil bata walang alam. 
Pagbalik ni nanay bumubula na ang bunganga ni baby dahil sa daming gamot na nainom. Hindi na umabot sa hospital ang baby at namatay.

Mula noon ang masaying ama naging bugnutin, naging marahas sa sariling anak dahil ito ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid.

Sa mga konting pagkakamali lang ni Chrisian, pinaparuhasan na akala mo malaking tao na ito. Nung una sa bawat sandali na sinasaktan ng kanyang ama umiiyak ito nagmamakaawa. Lumuluhod sa harapan ng kanyang ama pero hindi un pinapansin ng ama hanggat naging bato na ang katawan ng bata sa mga dinadanas. Kaya pag sinasaktan na siya hindi na siya nagmamakaawa nanatiling tahimik habang binubugbog ang katawan sa palo basta hinayaan na lang ang luha na dumadaloy sa mga pisngi niya. Parang hindi na anak ang turing sa kanya ang kanyang sariling ama.

Lumipas ang araw, buwan at taon, Grade 1 na si Chrisian. Magaling siya sa school, payat siya at maraming pilat sa kanyang balat tanda ng karahasan ng kanyang ama. Minsan pinapadapa sa upuan at pinapalo na kung ano ang mahawakan na pampalo, pinapaluhod sa monggo, bigas at iba pa.

Si Chrisian hindi lang matalino, mahilig pa sa pagdo-drawing. Kapag nag-iisa, kung anu ano ang idinodrawing niya lalo na pag nasa skul.

Tuwing nagkakamali sa bahay nila at sinasaktan siya, pagkatapos ay magkukulong siya sa kwarto, kukunin ang lapis at papel at magdo-drawing siya habang lumuluha at dinadama ang sakit sa katawan dahil sa mga palo. 

Isang umaga pumasok sa school si Chrisian, ang mag-asawa dumalo sa birthday ng mga kumare nila, dahil birthday maraming handa, inuman videoke. Gusto nang umuwi ni misis pero ayaw payagan ni mister, kaya wala siyang nagawa dahil sunudsunuran naman ito sa asawa.

7:00 na ng gabi hindi pa sila umuwi. Si Chrisian, dahil sa gutom, nagsaing, ginaya nalang niya ang kanyang mama dahil nakikita nmn niya kung paano nagsasaing. Basta nalang nilagyan ng tubig, pagkatapos ay sinalang na, nung amoy sunog na pinatay ang apoy at sinanduk na ung kanin at kumain na siya. Patapos na siya nung dumating ang mama niya na may dala dalang pagkain, nakita ang anak na nasa mesa.

''Anak kumain ka na?" agad na tanong ng ina.

"Opo", sagot ng anak

"Yan ang kinain mo? Hilaw pa eh, tapos anong ulam mo?"

''Gutom na kasi ako mama kasi po natapon ung baon ko kaninang tanghali, ok na po ito masarap naman asin ang ulam ko.''

Naiyak ang kanyang ina dahil nagluto at kumain ng hilaw ang anak samantala nagpapakasaya sila sa aknyang asawa sa birthdihan.

Kinabukasan nung paalis na sana si Chrisian papasok sa iskul. Kaya lang natabig niya ang kape ng kanyang ama, nagalit ang ama basta nalang hinila ang bata at pinapapalo-palo hanggat namaga ang braso at mga binti ng bata at binawi pa ang pera na baon sana nito.


''Akin na ang baon mo, wala kang baon ngayon! Para magtanda ka letse kang bata ka!''

Walang nagawa si Chrisian, pumasok siya na tanging baon lamang ay ang sakit sa katawan, sa oras ng reses doon nalang siya sa room nagdo-drawing.

Hapon na nang pauwi siya. Nakita niya ang kanyang ama na bumibili sa tindahan. Naghintay siya sa kalsada nang biglang nagkagulo ang mga nag-iinuman sa harap ng tindahan.

Nakita niya na umawat ang kanyang ama sa nag-aaway at nung nasuntok ang ama niya lumapit siya. Nakita niya na bumunot ng kutsilyo ang isang lalaki at tangkang saksakin ang papa niya. Tumakbo ang bata at niyakap ang ama. Siya ang nasaksak, mula likod diretso ang kutsilyo sa harap ng bata sa dibdib. 
Pagkasaksak sa bata, nanahimik ang lahat, natulala ang mga nag-aaway. Niyakap ng ama ang bata at sinabing dadalhin sa hospital pero nagsalita si Chrisian.
Papa kahit sinasaktan mo ako, mahal na mahal parin kita. Wag mo na akong dalhin sa hospital hayaan mo nang mawala na ako sa paningin mo papa para maging masaya ka na. Alam ko kasi na ako ang sumisira sa bawat pag-gising mo sa umaga. Sa bawat nakikita mo ako. Mahal kita papa kayo ni mama, pakisabi na lang sa kanya.
Pagkatapos ng mga salitang iyon, ang mga matang nakatitig sa ama ay unti unting pumikit. Wala na, namatay ang anak.

Yakap-yakap ng ama ang anak na umiiyak. Isinisigaw ang pagsisisi sa mga ginawa pero ano pang silbi ng pagsisisi kung wala na ang anak. 
Kahit pa maisigaw sa buong mundo ang kanyang pagsisisi ay hindi na maibabalik ang buhay ni Chrisian.

Pagkatapos ng libing nakita nila ang mga drawing ni Chrisian, mga drawing sa bawat pananakit ng kanyang ama. Drawing na nakaluhod sa harap ng ama at nagmamakaawa. Drawing na nakadapa sa upuan habang pinapalo. Nakaluhod sa monggo, sa bigas. May drawing pa siya na mag-isa sa mesa habang isinusubo ung kanin, nakatutok ang mga mata niyang luhaan sa malayo na para bang napakalalim ang iniisip. Yun yung nagluto siya dahil gutom siya. At marami pang drawing na nagpapakita ng kanyang pagdurusa sa kamay ng kanyang ama.

Ang huling drawing niya ay nakita nila sa ilalim ng damit ng kanyang ama. Drawing na nakatayo silang mag-asawa tapos si Chrisian nakayap sa mga binti ng kanyang mga magulang at nakatila sa kanila. Sinulat ni Chrisian sa baba ng kanyang drawing ang,
Papa sana mapatawad mo na ako sa pagkawala ng aking kapatid. Sinasaktan mo man ako, mahal parin kita mula noon hanggang ngayon at kahit ako'y mawala na.
Wala silang nagawa kundi umiyak, pero ano pa ang maitutulong ng pag-iyak ngayon wala na ang anak.

Habang yakap yakap ng ama ang mga drawing ni Chrisian, nangako ang ama sa kanyang sarili na magbabago na siya na hinding hindi na niya gagawin iyon kung magkakaanak silang muli. Kaya lang biglang nagkasakit si misis, naoperahan tinanggal ang matres at kailanman ay hindi na sila magkakaanak pang muli. Kaya dalawa nalang silang namumuhay na malungkot at tahamik.

 - WAKAS -
Lagi po sana nating tandaan na ang anak ang kayaman nating mga magulang, bunga man ito ng karahasan, ng pagkakamali, at kahit may kasalanan man ito hind yun sapat na dahilan para ipagdamot ang pag-mamahal at gabay na kailangan niya sayo. Mahalin natin ang ating mga anak, sila ang ating kayaman, at maging gabay sa ating pagtanda.

Comments

Popular posts from this blog

Joem Bascon at Jake Cuenca Pinasilip ang Pwet sa Isang Gay Indie Film

Batang Namamalimos Para sa Pag-aaral