Posts

Showing posts from September, 2013

Ibat-ibang Uri ng Taong Sumasakay ng Tren sa Manila

Image
Ang pagsakay sa MRT ay everyday adventure, challenge, at obstacle para sa atin na minsan nakakatawa, nakakainis, at nakakapagod. Marami na rin akong experience at nagkaroon ako ng listahan ng uri ng mga taong nakakasabay dito. Ito sila, Ready? 1. Beato/Beata Dahil sila ang favorite kong passengers ng MRT, sila ang inuna ko. Ang mga Beato at Beata ang perfect example ng mga buhay na bayani. Sila yung hindi lang basta pumapasok ng train for the sake of makasakay kundi sila yung tinutulungan din ang kapwa na makapasok dahil ramdam niya ang hirap ng mag-antay sa platform na tipong 6 trains ng nakalampas e hindi pa rin makasakay-sakay. Siya yung nagsisilbing team leader ng mga taong nagsisiksikan sa train. Siya yung nagsasabi ng “Usog po tayo sa gitna!”, “Wala po munang papasok, may lalabas pa!” (grabe slow clap). Ino-offer niya rin ang seat niya sa mga may kapansanan, may kasamang bata, matatanda, at sa mga girls na madaming bitbit. Sobrang hinahangaan ko sila kasi sila yung hindi na