Batang Namamalimos Para sa Pag-aaral


Hindi lahat ng bata sa lansangan na nanghihingi ng pera at namamalimos ay gagamitin sa walang ka kwenta kwentang bagay gaya ng pang rugby, alak at sugal..

Ayon kay Alex Avisado Jr. na nag post ng story na ito,
nasa kalsada raw sya nang biglang may manghingi sa kanya ng pera nung una akala nya katulad sya ng karaniwang bata sa lansangan kaya di nya pinapansin pero nang makita nya ang suot ng batang babae na naka school uniform skirt at may sukbit na bag pang eskwela nagtaka sya at agad nya tinanong kung para saan ang perang hinihingi nya at namangha si Mr. Alex sa sagot ng bata na ang sabi ay


"Para sa school project po. Pinauwi po kasi ako ng teacher ko kasi wala akong project. Wala kasi pambili ng materials si Nanay".

Pagkatapos sabihin ng bata iyon ay agad syang umiyak,
para mawala na ang pagdududa ni Mr. Alex humanap sya ng patunay kung saan gagamitin nung bata yung pera at kung nagsasabi ba ito ng totoo, may inabot ang bata na papel kay Mr. Alex na kung saan naglalaman ng instruction ng teacher ng sa project, kaya nakumbinsi na si Mr. Alex at agad nya itong binigyan ng 100 pesos

Mr.Alex: "Tama na ba yan? sabi nung bata ay "tama na po ito"
at hindi na nag hanap o nagpadagdag pa, sa halip ay ngumiti sya at nagpasalamat

Kakaiba ang batang babaeng ito, ginagawa nya iyon para lang sa kanyang project sa pag aaral, hindi malayong matupad ng batang ito ang kanyang mga pangarap balang araw dahil sa determinasyon nya sa pag aaral sa kabila ng kahirapan.

Comments

Popular posts from this blog

Joem Bascon at Jake Cuenca Pinasilip ang Pwet sa Isang Gay Indie Film

Sinasaktan Mo Man Ako Papa, Mahal Pa Rin Kita.